maalala ko lang. isang parti ng palatuntunan nung haiskul ako
ang para sa akin ay masyadong eksaherado.
Medyo malayu ang aking pwesto kaya hindi ko masyadong magets and dayalogo.
iisa ang mikropono kung kayat piagpasapasahan
ni hindi mo nga akalain na iyun ay isang skit
o mas tanyag sa tawag na daama-drama.
nakita ko na lang sinuntok ni aktor 1 si aktor 2.
bandang huli ayun sa tagapagsalaysay
hindi daw sila nagkaintindihan ng kanyang kausap
kung kayat may sigalutan na nangyari,
e panu yun ‘ikako
eh nasa Pilipinas naman sila bat hindi sila magkaunawaan.?
maalala ko ulit linggo ng wika pala.
binigyan pugay ang kontribusyon ng ating mga ninunu
para mabuklod ang libu-libong isla
ng iisang wika na maintindihan ng masa.
tsk..tsk..yon pala yun.
Heyograpiya, kaysayan 101.
Ang Pilipinas kong mahal ay binubuo ng 7100 isla
Ayon kay Bb. Charlene Gonzales ay 7107 pag nag low tide na.
Hinati ito sa 3 malalaking pulo.
Luzon o mas tanyag na Maynila
Visayas o mas kilala sa bayan ng matitigas na dila
Mindanao o sinasabing ruta ng mga rebelde
Sabi dun sa kanta
Lahat tayo’y may pagkakaiba
Sa ngiti pa lang ay makikita na
Tama
May ngiting plastik kung malala eh goma pa
May ngiting mona Lisa, palaisipan
Ngiting Gloria, nang-iinis
Ngiti ko, totoo (asus)
Dito sa barko
Aking napagtanto
Tagalog nami’y iba-ba ang ponto
Matigas, pilipit sa bisayang tulad ko
May himig at umaawit ng mga taga dulo
Malalim, kakaiba sa mga batangenyo
Hindi natatapos sa ngiti at ponto ang pagkakaiba
Sa hilig at pag-uugali lalo na
Halinat bulatlatin natin sila
Ang mga bida at kontra-bida
Yong dapat na hari,pero umaastang reyna
Parang mga artista
Na gumaganap sa pelikula
Unahin natin si Ogie A. at Michael V.
Nakakatuwa kahit walng kwenta ang sinasabi
Palaging basa ang kanilang mga labi
Umaraw man o gumabi
Nanaisin mong wag umalis sa yong tabi
Lalot malungkot ka, dahil sa kagagawan ng iyong bhebhe.
Isunod natin si kabayang Noli
Lumapit sa kanya wag mag-atubili
Balitang currents events at politika walang pili
Wag lang yong mga sabi-sabi
Kung ayaw mong buhay moy grumabe
Lipat tayo kay Boy Abunda
Tulad ni boy balitang shobis alam nya
Walng pakialam totoo man o haka-haka
Importante may katuwaan lng sya
Minsan sya nama’y naging Ogie Diaz
Sa blind item walAng kakupas-kupas
dila nyang walng habas
Dahilan minsan syay nahahampas
Kilalanin natin ang kamag-anak ni Jaworski
Sa basketbol gustong maghari
Sa paglalaro inaaway pati ripiri
Ang pagkatalo’y di nya mawari
Parang batang inagawan ng kendi
Minsan sumasampa din si Mara
Kaya siempre nabuhay din si Clara
Si Mara na inaapi-api
Hindi nagsasalita akala moy pipi
Hindi man sila nagsasabunutan
Suntukan lang naman ang kinahahantungan
Adolf Hitler hindi pahuhuli
Tapang mo’y kanyang binili
Hindi marunong tumawa o ngumiti
Mukhang palaging nanggagalaiti
Ayaw nya ng kayo ay naliligayahan
Masaya sya pag tao nyay nahihirapan
Minsan naisip ng tao nyay makipagsapalaran
Itapon sya sa dagat ng mapag-iwanan
Meron ding kadugo si hermayni
(Hermione Granger ng Harry Potter)
Know-it-all bansag sa kanila
Lahat kuno ng bagay alam nya
Kadalasan hanggang salita lamang sila
Si pastor na mahilig sa parable
Bitbit ay parating Holy bible
Kanya itong pinili kesa bola ay idribol
Itinutuloy kahit ang mahikayat na grupo ay ismol
Mawawala ba tulad ni Pacman na boksingero
Sa pagiging kuripot bilib ako
Palaging nakatiklop ang kamao
Barat ang binibigay nyang regalo
Pero pansinin mo sa salo-salo
Pagkain alak inumin halo-halo
Masarap talaga pag libre ano..?
Gayun pa man kahit iba-iba
Pinilipit naming maging Masaya
Lungkot at pagod hindi alintana
Para buhay ng pamilya giginhawa
Inaabangan matapos ang contrata
Para makasama nasa piling ng pamilya.
No comments:
Post a Comment